Image

Tula ni Maricel Villalobos Rance

Photo by: Cherrenella Acedo Sopillo 

 

Sa tuwing sasapit,itong dapit hapon..
Ayaw ng mga Mata Kong,sa bintanay mapalingon..
Sapagkat nasisilayan,walang hanggang pagtatanong..
Kailan ba matatapos,Ang mahabang panahon?


Sa tuwing tatanawin,Ang malawak na karimlan..
pamilyA ko Bay,Banda rooy nasaan?
Hirap ng pagkalungkot, pilit pinaglalabanan..
Mariing buntong hiningay,saglit pakakawalan..


Malawak na himpapawid,at dagat man Ang pagitan..
Nagbubuklod nman sa atiy,wagas na pagmamahal..
Pasasaan bat,araw ay daratal..
Magkakasama muli.. Kapag niloob ng Maykapal

Poems by Other Authors