Image

Tula By: Napay Ludovice Analie
Photo Credit to: Yojlecam Lanac

Dapit hapon ay sumapit na
Kasiyahan sa labas ay tapos na
Uwian na para makapagpahinga
Bukas ay panibagong na namang umaga

Isang araw ang pagpapahinga
Ngunit itoy kulang na kulang pa
Pero sa pamilya na umaasa
Titiisin ang hirap at lungkot na nadarama

Malayo man tayo sa atin pamilya
Ito'y ating ipapawalang bahala
Mas matimbang sila at mahalaga
Puso't isip na nangungulila ay hahayaan na

Marami na sa ngayon ang nababahala
Sa sitwasyon na nararanasan ng bawat isa
Ninanais na mkauwi man sana
At ng makapiling ang pamilya

Pandemya na sakop buong Mundo na
Hadlang sa bawat isa
Panalangin at pananalig sakanya
Panginoon na unang sandigan ng bawat isa

Poems by Other Authors