Image

Araw ng Pahinga

Photo credit: Bun So

Tula by: Reynalyn Molina Vergara

 

Walang kasing saya, ang araw ng pahinga.

Pamilya ay makakausap sa messenger na masaya.

Lungkot at pagod napapawi

Sa mga ngiti at halakhak nila ika'y bumabawi.

 

Mahirap magtrbaho na malayo sa pamilya

Para sa pangarap ika'y naniniwala

Tibay ng loob ang iyong dala dala

Gabay ng ating Dyos ang iyong sandata

 

Mahirap ang pakikibaka

May among mabait at balahura

Pero wag mawalan ng pag asa

Dahil bawat isa ay may oras para guminhawa.

 

Taimtim nating ipanalangin

Oh! Amang lumikha sana ay dinggin

pandemyang ating hinaharap

Sana ay huwag lalong lumaganap.

 

Gayon pa man, maraming Salamat Ama

dahil hindi mo pinabayaan, Kalusugan ng aming pamilya.

Balang araw makakauwi ng masaya at makakapiling

Ang ating pamilya na walang kasing saya lalo ang ating mga supling.

Poems by Other Authors