Hong Kong

By Domestic Workers Corner on 2nd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong Kong

 

Hong Kong ang bansang napuntahan

Daming naranasan na hindi makalimutan

Malaking tulong sa aking nasimulan

Para sa Pamilya na aking iniwan.

Si Choysum ang unang natikman

nalilito ka sa gulay na kaylan

Akala mo kasing sarap dahil parehas tingnan

Ngunit mapait ng ito ay malasahan

Buhay sa Hong Kong ay sobrang swerte

Kapag nakatagpo ka ng amo na hindi matapobre

Hiling ang dalawang taon matapos kahit doble

ang hirap ng trabaho pati sideline ng amo taga delivery

Sa Hong Kong ako natuto mag tiis

Walng royal o skyflakes pag ako magkasakit

Lakas ng loob lagi natin bitbit

Dahil mahirap mag isa kahit malaki ang kita.

Sa Hong Kong na ako tumanda

malapit na mag dalawang dekada

Napamahal sa amo pati sa trabaho

Dahil pandemic dito lang muna ako

 

Poem by: Rodelia M. Pedro

Photo Credit to: Clair Raymundo

Poems by Other Authors