PAMILYA

By Domestic Workers Corner on 2nd Jul 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Pamilya

Pamilya ang dahilan bakit sa ibang bansa ako
Mabigyan ng magandang buhay nanay at tatay ko
Dahil sa hirap ng buhay hindi kasya ang sahod doon
Para sa Pamilya na mahal na mahal ko

Sila ang inspirasyon bakit ako nandito
Kahit ang hirap pigilin ang luha na tumutulo
Pangungulila sa kanila kahit yakap matamo
Dahil sa pandemic tiniis ang bigat sa puso

Marami sa atin ang nahihirapan sa Hong Kong
Nawalan ng trabaho, umuwi pangarap naglaho
Mayroon walang pagkain, pagod at kulang sa tulog
Ngunit tinitiis para sa katapusan may sahod

Ngiti at Pag asa para sa Pamilya sa Pilipinas
Dahil sila ang dahilan bakit tayo nagsisikap
Pagmamahal nila ang sandata sa hirap
Dahil Bawat araw nandyan ang Diyos yumayakap.

Photo by: Gracey Grazel Arnado Berse
Tula by: Rodelia M. Pedro