Alas nuwebe ng gabi ng aking nalaman

Ikadalawampu't isa ng Oktubre ng iyong kapanganakan

Kaming lahat ay yong iniwan,walang sakit na mailarawan

At pagkalugmok na paglalagyan

 

Natanong sa sarili bakit nangyari,

Bakit may ganitong pangyayari

Tinanong sa Diyos dahil di ko mawari

Di ko alam kong matatanggap ko ba ang grabeng hapdi

 

Isang umaga pagmulat ng aking mata

Andito parin sa aking puso ang sakit na daladala

Pilit iwinawaksi sa isipan ang nakaraan...

Nangyari ang nangyari Diyos ay may dahilan

 

Lumipad  na namn sa bansang dayuhan

Baon ang bagong inspirasyon at dedikasyon

Na kelangang nang katatagan

Magpapatuloy dahil meron pang naiiwan 

 

Naquarantine sa hotel ng pitong araw 

Binuksan ko ang kurtina para makita ang pagsikat ng araw

Kagabi lang sa aking pagtanaw.madilim at puro ilaw

Ngayon ang liwanag ng araw ay nakakasilaw at nakakatangal panglaw

 

Buhay man ay may hangganan

Gaya ng tag init na darating din ang tag ulan

Gaya ng gabi,na may kinaumagahan

Patuloy lang nandyan ang Diyos na maasahan

Maghihilom sa pusong lubhang nasaktan

 

Salamat Anak kong nasa Piling ng Maykapal

Ikaw ay naging inspirasyon sa aking pagpapagal

Ikaw ay maraming iniwang aral.

Na pahalagahan ang lahat na sa ati'y nagmamahal