" Sakripisyo ng anak at ina "

By Rain_Arellano1976 on 25th Apr 2022

 Image

Sakripisyo ang inang iwan ang mga anak,

Mangibang bayan ng di alam  kung mapahamak.

Baon ang tibay ng loob na makapagtrabaho,

Kahit umiiyak mga anak sa aking paglayo.

Walang katapusang utos sa pagod ng katawan,

Husto lng ipahinga ang pagal na nararamdaman.

Magkaiba ang oras di man lng sila makausap,

Tanging tinitingnan mga litrato at niyayakap.

Gustuhin man umuwi dahil sa anak na naglaslas,

Kailangan pagtibayin ang loob at mag ipon ng lakas,

At ipanalangin sa diyos na kami ay gabayan,

Na matapos ang kontrata at mga anak ko ay masilayan

Saludo sa anak at magulang na nagsasakripisyo. ♥️♥️♥️

 

 

Poems by Other Authors