Hong Kong (Pangyao Magazine feature)

By PANGYAO_Official on 9th Apr 2022

Domestic Workers Corner Hong Kong
 Image

Hong Kong

By Jenieliza Martin

Bansang uso ang terminate

Alam kong marami sa atin ang relate

Kaya sa amo wag makipagdebate

Kung ayaw mong ika’y materminate

 

Karamihan sa ati’y inaabuso

Sobra-sobra ang oras sa trabaho

Sa haba ng oras ng serbisyo

makakarinig ka pa rin ng reklamo

 

Pangarap sa pamilya ang dahilan

Kaya tayo dito nakipagsapalaran

Gaano man kahirap ang pinagdadaanan

Tayo parin ay patuloy na lumalaban

 

Oh sadya mang kay hirap

Pero laban lng para sa pangarap

Nahi²rapan man tayo sa ngayon

Alam kong giginhawa din tayo pagdating ng panahon

 

gaano man kahirap ng sitwasyon

Ibulong lang natin ito sa panginoon

Sapagkat siya lang ang tanging solusyon

Sa anumang suliraning kinakaharap natin ngayon

 

Kaya mga kakunyang ko

Nais kong malaman niyo

Na saludo akong lahat sa inyo

Dahil sa katatagan

At dedikasyon niyo

Sa inyong mga trabaho

 

Photo by Sheryl Penaflor