Walang pamagat (Pangyao Magazine Feature)

By PANGYAO_Official on 9th Apr 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Walang pamagat

By Edina Bueza (Horizons Junior Poet)

 

Isang gabi pagkatapos ng aking trabaho,

Sumilip sa messenger tawag bigla nabungaran.

Biglang napaisip kung pwede bang papasukin,

Kasiyahan kaya nila hindi bigla mabinbin.

 

Bahala na si batman sa gagawin,

Maglalakas loob makisali sa iba mandin.

Nguni’t laking tuwa pagbungad pa lamang,

Masasayang ngiti nakahanda na sa harapan.

 

Si ina at mga kapatid nagkakasayahan,

Magagandang ngiti at pagbati kanila’ng ibinigay.

Pagpasok pa lang habang sila’y naguumpukan.

Nakisaya at nakigulo na bawa’t isa,

nawala ang takot dahil nakangiti sila.

 

Pakiramdam ko’y matagal na kaming magkakakilala,

Komportable sa isa’t isa lahat ay masaya.

Oras hindi namalayan mabilis na lumipas,

Ngiti at saya nadama habang magkakasama.

Salamat sa masayang alaala ngayon gabi,

Ngiti sa labi hindi’maikukubli.

Sayang nadarama sa puso’t isip ngpasigla,

Nagbigay ng bagong inspirasyon upang magpatuloy,

Sa mga pangarap at adhikain magtatagumpay.

Katuwang si ina na sadyang mapagmahal.

Igagabay at babahaginan ng kanyang kaalaman.

Salamat sa gabing puno ng kaalaman,

Salamat sa Diyos sa inang mapagmahal.