Image

Nagsimula ang lahat sa online

Ika'y nakilala ng lubusan

Naging masaya ang karanasan

Ika'y napabilang sa.lakbay ng aking buhay

 

Masasayang sandali...

Biglang binasag ng babaeng makiri

Isang taong matamis na pinag saluhan

Biglang naglaho na lamang

 

Dalawang taon...

naging magkaibigan na lamang

Komunikasyon ay nagpatuloy  parin

Karanasan mo sa iba...

di gaanong naging matagumpay

Ako'y naging gabay pa sa...

inyong pagmamahalan

Nasayang lang mga araw

 

Bigla nalang...nagparamdam

Damdamin ko'y muli mong binuksan

Kalembang ay muling naramdaman

 

Ikaw parin...

mula noon at ngayon

Pagmamahal sa iyo'y di nahinto

Sana'y di nagkaroon ng puwang...

ang ibang tao sa ating pagmamahalan

 

Minsan ka ng nagkamali...

Ngunit ikaw parin ang aking pinili

Puso ko'y pinakikiramdaman...

Ikaw parin ang ipinagsisigawan

Tibok ng puso ay kumakalembang

 

Ikaw parin...

mula sa simula at kasalukuyan

Pag kakaiibigang nauwi sa pagmamahalan, hiwalayan at ngayon ay nagkabalikan...

Sana'y  ang kabanata natin ay walang

katapusan.

Other Poems by Balotbondoc