Image

Maraming tao sa mundo ang nangangarap…

Sana lahat tayo ay masaya…

Sana di makaranas ng pait sa buhay.

 

Sana lahat ay mapalad sa pamilya,

sa larangan ng pag-ibig at katayuan sa buhay.

 

Madalas tayo'y napapa "SANA..."

Lalo't kapag may naririnig at nakikitang mga taong punong -puno ng saya!

 

Sana lahat ay may makulay na buhay…

Tulad ng bahaghari sa kalangitan.

Sana walang hapdi ang buhay…

Sana puro kagalakan! Minsan lang tayong dadaan…

Sa ganitong lakbay ng buhay. Sana walang lumbay…

 

Sana lahat ay kasiyahan! Sana wala ng sakit…

Puno nalang ng kasiglahan! Sana wala ng luha…

Sana puno ng pag-ibig bawat puso. Sana all na lang…

At marami pangagagandang SANA…

 

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc