Image

Maraming beses na akong nangarap...

Madaming beses nading nabigo't nasaktan,

Napaka ilap nitong aking tadhana.

 

Madami ang nakatagpo na ng " Forever"...

Pero mas madami yata ...

kaming  "walang forever".

Saklap naman my dear tadhana.

 

Sabi ng iba..."darating  din iyan!",

Sabi ko naman..."kelan pa yan?".

Ito yata talaga tinadhana!

 

Yung iba...pinagtagpo...

Pero di tinadhana.

Ganun talaga siguro,

Kung  hindi sa iyo...

Malamang para sa iba yun.

 

Sana pwedeng diktahan ang tadhana,

Para ikaw ay aking maka sama.

Upang mundo  ko ay sumaya!

 

Yung iba dyan...

Ready na  ang lahat.. matagumpay na,

Ika nga!.. "Ikaw na lang ang kulang!"

Para buhay ay lubusan ng

maging  makulay at malabuluhan!

Other Poems by Balotbondoc