Image

"ANAK"

 

Anak, kayo ang lakas ni Mama.

Sa pagtulog at pagmulat ng mata,

Kayo ang laging naaalala.

Sana'y lahat ng ngiti ko'y inyong makita.

 

Sa bawat ngiti ko'y tatag ng loob ang kasama.

Masilayan ko lang kayo ay buo na ang araw.

Paano pa kaya pag narinig ko ang inyong tawa?

Para makita ang ngiti niyo, sa camera ako ay nakadungaw.

 

Anak, salitang aking kahinaan,

At siya ring aking kaligayahan.

Tunay ngang gamot sa pangungulila

At sa tuwina'y gusto kong makasama.

 

Subalit si Mama ay nasa malayo,

Maintindihan niyo sana

Na sa dayuhang bansa ako'y humayo,

Para sa inyong kinabukasan

Handa akong makipagsapalaran.