Sa gabing ako'y nalulumbay
Dinadalaw at lumilipad ng walang humpay
Animo'y nagsasabing ako'y huwag sumuko
Buhay na taglay ay may dalang milagro.
Sa araw na ako'y masaya
Sumisilip sa may bintana
Nakahinto at nagmamasid lamang
Nakikiramdam sa sayang lumulutang.
Paruparong mahiwaga sa akin ay gumagabay
Patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay
Isa siyang halimbawang may taglay na tiyaga
Sa bandang huli kagandahan ay napala.
Aking gabay huwag mo 'kong iiwan
Lalo na sa mga panahong nagugulumihanan
Ang pagtitig sa 'yo'y kaginhawaan
Pagasa ng pusong naguguluhan
Paruparong may mahika isaboy ang katahimikan.
📕🖊anna09
guhit ni Bambee Pacnis Abadilla