Image

Maraming beses ko ng sinabi...

"KAYA KO TO!"

Madalas sabi ko...

" Di Ako Susuko!"

Pananampalataya ko ay pinagtibay.

Puso ay pinuno ng pagmamahal.

 

Maraming pait,alat,tamis ang ating buhay.

At maramin pang parating sa hinaharap.

Matuto sa bawat karanasan.

Harapin lahat bg hamon ng

 may katatagan at katapangan!

Laban lang lagi at huwag susuko.

 

Gawing inspirasyon ang  pamilya,

mga kaibigan at espesyal sa buhay.

Magdiwang .. buhay ay  isang biyaya !

Namnamin , punuin ng sigla

at tuwa ang bawat  saglit.

Huwag basta tira ng tira..

mag-isip at maging positibo lang kaibigan

 dahil yan ang magdadala sa iyo sa

tugatog ng tagumpay!

 

Buhay ay napaka ganda!

Basta huwag lang mawawalan ng pag-asa.

Tiwala sa poong maykapal ay pagtibayin pa.

Dahil sa bawat laban ay kasama mo sya.

Hindi ka iiwan,di ka pababayaan.

ikaw ay lagi nyang aalalayan.

 

Laging pakatandaan!

Lahat ng bagay ay naka plano,

maniwala ka lamang na sa dulo....

iyong masasabi...

" ang aking buhay ay isang matamis na tagumpay".

Manatiling POSITIBO lang!

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc