Image

Ang tunay na pagkakaibigan

Asaran at tampuhan

Laging andiyan

Madalas man di magkaintindihan

Hindi ka basta basta iniiwan

Sa oras ng kasiyahan at higit sa panahon ng kagipitan

Pagsasabi ng katotohanan

Kahit ikaw ay mapasaktan

Hindi nag aalinlangan

Sapagkat iniisip niya iyong kabutihan

Sinasama ka sa lahat ng kabaliwan

Kahit alam niyang dimo magugustuhan

Hinihila ka sa ibat ibang dako ng kainan

Kung saan kayo masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan

Sa pag angat kayo ay nagtutulungan

Hila hila bawat isa na mapagtagumpayan

Mga pangarap ng inyong inaasam

Poems by Other Authors

Other Poems by yolly❤