Image

Madalas tayo ay  punong abala

sa mga gawaing bahay.

Pag mulat ng mga mata tatambad na

mga gawaing katerba.

Sa tanghali  naman ay medyo onti nalang.

At pag sapit ng gabi..

pa onti ng pa onti.

24/6 ika nga!

 

Kaya naman, gabi palang ng sabado ay

excited at magiliw ng nagpaplano.

Ano ang gagawin?

Saan tutungo?

Para maibsan ang anim na araw

na pagod ng katawan.

 

Matagal na itong ginagawa...

pero biglang naging patok sa karamihan.

Malayong lakbayan,mahabang lakaran,

hihingalin at uuhawin kang tunay!

Pero sadyang normal na sa karamihan.

 

Pag narating na ang  rurok o tuktok!

Sarili ay di mapipigilan..

Biglang mapapasigaw na lamang..

YES!,Finally!,Sa wakas,yahhooo!

 

 

Lahat ng pagod ay biglang napawi!

Masarap na simoy ng hangin...

Maganda at nakakamanhang tanawin!

Wow nalang ang masasambit!

 

At para naman  ito ay masulit...

Ilabas ang kamera at umawra

 sa mga matatarik at mababatong angulo,

Say Cheeze !, Hey! at kung anong nais.

 

Ipakita ang pinaka matamis na ngiti,

at pinaka kakaibang " pose".

Hanggang sa mag sawa ang kamay

sa pag " click ".

Panandaliang kasiyahan..

Pero sulit at di mabibili ng sino man.

Panibagong kaba sa pag baba at pag babalik sa bahay.

 

Di ko man ito tunay na naranasan..

ang mag hiking ay di biro.

Sa mga larawang aking nakita at pinusuan...

Mga hikers na buo ang dibdib sa pag akyat...

SALUDO  ako sa inyong katapangan!

 

 

Ang tanging hiling ko lang ay...

SARILI po ay PAKA INGATAN!

Basbasan po sana kayo ng maykapal.

Other Poems by Balotbondoc