Image

Ilang taon din ang lumipas...

Sa una ,langit sa piling mo...

Kinalaunan ay naging "Impiyerno!"

 

Hirap at pasakit ,mga salitang mapapait!

Lahat ay aking tiniis!

Nagpakatatag at nanalangin...

Nawa'y matapos na yaring kalbaryo

at gumaan sana ang pasanin.

 

Taon ay patuloy na lumipas...

Katarungang ninanais sana ay makamit.

Maging ligal at maayos ang lahat.

 

Napaka buti mo o Diyos...

Araw na pinaka hihintay ay narito na!

Pinakamimithing TAGUMPAY nakamtan na!

 

Sa  Kanya... ako ngayon ay MALAYA na!

Other Poems by Balotbondoc