Berdeng Damuhan

By Lifediary511✍📖 on 29th Dec 2020

Enrich HK
Uplifters
Pathfinders
Pangyaos
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Ako'y lumaki kasama mga musmos na bata.

Pakikipaglaro ang kasiyahan sa tuwi tuwina.

Paboritong laruin duon sa aming nayon,

Mula nuon hanggang ngayon binabalikan ang kahapon.

 

Kung akin lamang maibabalik masasayang alaala,

Ang buhay kabataan noon ako'y inosente pa.

Anumang problema na aking naranasan,

Pamilya laging nandiyan para ako'y gabayan.

 

Pakikipaglaro sa buong araw ang tanging iisipin,

Pagtanaw ng aking kalayaan ang tanging hangarin.

At ng nagkaroon ng pakpak tila ibong naging malaya,

Pinakaaasam na pangarap lahat makakaya.

 

Ako'y lumayo, upang sa siyudad mag aral nuon.

Iniwan mga kaibigan naputol ang komunikasiyon.

Nagkaroon ng kanya kanyang pamilya,

Nakalimutan na nga yata ang bawat isa.

 

Sadyang hindi maiiwasan na madulas at madapa sa daan.

Mahirap bumangon at lagpasan, ito'y hindi matatakasan.

Ako ay mas tumibay sa mga pagsubok na naranasan.

Subalit hindi mapigilan ang aking nararamdaman.

 

Gustuhin ko mang bumalik, sa musmus na isip at diwa.

Maitatama ang lahat ng nagawang di kaaya aya.

Wala na akong magagawa, kundi maging masaya,

At buong pusong tatanggapin ang mga darating na biyaya.

 

Darating ang araw, mga kaibigan magkaka tipon tipon.

Gagawa ng bagong alaala na bubuo sa amin ngayon.

Gagawin ang mga bagay na dati aming kasiyahan.

Ang maglaro, tumalon at maghabulan sa berdeng damuhan.