Tagbanwa, Hanuno'o at Buhid
Kilala parin ba natin o wala nang nakakabatid?
Paraan ng kasulatan ng ating mga ninuno
Sa paglipas ng panahon,hindi na makita ng matino
Sa kaalamanan ko ito'y bahagi ng pinag-aralan
Sa taon ng pagdadalubhasa ay nalaman iyang pagkakilanlan
Importanteng mga detalye noon ay inaruga
Ngunit ngayo'y bakit tila mas gusto ang mga banyaga
Hindi na maibabalik ang dating panahon
Mga akda ng kayamanan pilit inaahon
Bawat titik o letrang dumadampi sa papel
Naging mabusisi, nilathala maging sa kartel
O aking kultura sana ay nandiyan ka pa
Kabataan sa ngayon sa iba nagkakandarapa
Simulan natin muli, tukuyin at buhayin
Ang ugat ng ating pinagyayamang baybayin.