OBRA

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa tingin mo'y isang rebulto lamang

Pero ito'y may damdaming pinagmulan

Ang kakisigan o kagandahan

Mula sa paghubog ng mga kamay na may kapangyarihan.

Pinagisipang mabuti,

Pinagpuyatan kahit mga mata ay mamuti

Basta maganda ang pagkakahabi

Makakapagpahayag ng damdaming wagi.

Isang obra ang kinalabasan

Pagod at puyat ay naibsan

Habangbuhay na kayamanan

Isang talentong hindi matatawaran.

Ekspresyon ng hiwaga

Matalinghagang gawa

Repleksyon ng katauhan

Mahikang tanging siya lamang ang may kasagutan.

 

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

12-03-2020

Horizons biography princess

Other Poems by Anna09