ORAS

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang oras natin dito sa mundo

Ay isang hiwagang puno ng  misteryo

Maayos, matiwasay ngunit may oras ding magulo

Ang isip mo at pagkatao ay tuliro.

Sa buhay ay may panalo at mayro'ng talo

Ngunit parang bola 'yan na umiikot sa palad mo

Ang mahalaga ay nilaro mo ng may malinis na puso

Adhikaing makapagbahagi ng magandang asal sa mundo.

Ano man ang mangyari sa oras nating nalalabi

Gawing makabuluhan at para sa ikakabuti

Huwag nang manghinayang sa mga oras na lumipas

Bagkus pagbutihan at gamitin ng wasto ang oras mo bukas.

Maging masaya at makuntento

Sa buhay na mayro'n ka dito sa mundo

Sa oras ng pagpanaw ay makakamit mo

Lahat ng gantimpala sa pagiging mabuting tao.

 

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-30-2020

Horizons Biography Princess

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09