ORAS

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Tik tok tik tak

Oh, kay bilis ng oras

Isang araw ang lumipas

Isang dahon ng buhay ang nalagas.

Ang tanong bago magpahinga

At tuluyang ipikit ang mga mata

Ako ba ay naging mabuti sa kapwa?

Sa araw na ito, ako ba ay kaaya-aya?

Kung ang sagot mo ay oo

Magpahinga ng may ngiti sa puso

Yan ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo

Ang bawat oras mo'y ilaan sa pagiging mabuting tao.

Huwag mangangamba kung oras man ay lumipas

Lahat ay pansamantala at may wakas

Ang mahalaga ay sinuong ang hiwaga ng buhay

Mabigo man o magtagumpay

Sa Diyos lamang kumapit at humingi ng gabay

Madami ka pang oras na natitira para baguhin ang iyong buhay.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-30-2020

Horizons Biography Princess

Other Poems by Anna09