Riste...Puno ng Diskarte

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Isa sa mga kapitbahay na aking naging inspirasyon

Sa pagsuong sa mga hamon sa buhay ng may determinasyon

Tibay at lakas ng kaniyang kalooban

Talaga namang aking hinahangaan.

 

Isa sa aking naging kaagapay

Sa mga panahong napakalungkot ng buhay

Maraming aral ang aming hinimay-himay

Lahat aming kinaya at nakamit ang tagumpay.

 

Ngayon ay nabubuhay ng tahimik at matiwasay

Isang halimbawa ng babaeng matatag at may magandang disposisyon sa buhay

Hindi nawalan ng pagasa bagkus ay nanalangin ng taimtim

Hindi inalintana ano man ang sabihin ng iba na puro paninimdim

Ang buhay ay sadyang ganyan, matatapos din lahat ng dilim.

 

Ang aking ate RISTE... babaeng punong-puno ng diskarte

Ang kaniyang buhay ay may magandang mensahe

Ito ay tula ng pasasalamat

Ang buhay kong ito ay umangat

Dahil sa iyo, nagpatuloy ako sa aking mga pangarap

Balang araw, maabot din natin ang alapaap.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-28-2020

Horizons Biography princess

Other Poems by Anna09