Laban Lang, Kaya Yan!

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa Hongkong ako ay napadpad

Unang amo ako ay hindi pinalad

Ganyan talaga ang buhay

Pero hindi ako sumuko, nagpatuloy sa paglalakbay.

 

Nakahanap ng pangalawang pamilya

Halos walong taon na nanilbihan sa kanila

Isang batang pinalaki ng may disiplina

Masaya akong gampanan, tungkuliy kinalinga.

 

Madaming pagsubok aming pinagdaanan

Away- bati gaya ng maraming tahanan

Ngunit aking pinagtiisan

Para lamang mga anak mabigyan ng magandang kinabukasan.

 

Ang oras ay itinakda ng aking paglisan

Disyembre ng taong kasalukuyan

Panibagong hamon ang aking hahanapin

Pero kasama ko kayong lahat saan man ako makarating.

 

Mabigo man ay muling babangon

Patuloy na buhay ay iaahon

Ganyan ang hiwaga na ating sinusuong

Hayaan ang pagkadapa, mahalaga ay bumangon

Laban Lang, Kaya Yan!

 

Moral lesson: Huwag na Huwag susuko sa buhay. Winners never quit.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

12-05-2020

Horizons Biography Princess

 

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09