SIPAG AT TYAGA

By Anna09 on 7th Dec 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Nais kong mag-iwan ng munting aral

Maging inspirasyon at kapulutan ng aral

Sa buhay natin, kailangan ang sipag at tiyaga

Huwag umasa sa iba at palaging gumawa.

 

Magsulat at huwag susuko

Husgahan man ay huwag patatalo

Sa akin ka tumingin at maniwala

Hindi ako tumigil, ngayon ay may gantimpala.

 

Isang daang Tula at higit pa

Aking pinag-isipan at nilikha

Lahat ay aking sinubukan

Wala akong pagsubok na inaatrasan

Inaral at isipan ay nilawakan.

 

Huwag titigil sa pagsusulat

Tulungan ang sarili, mga mata ay imulat

Linangin lalo ang angking galing

Samahan ng Sipag at Tiyaga, palaging baunin.

 

Huwag mahihiya, magpatuloy sa nais

Masarap makita ang bunga ng 'yong pawis

Ikaw lamang ang makakapag pasiya

At nakaka alam ng 'yong mga ikakasaya.

Ako ang gawin mong buhay na halimbawa.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

12-07-2020

Horizons Senior Poet

Other Poems by Anna09