Image

Dalawang puso...pinagtagpo

Masaya at madalas magkasuyo

Animo'y...walang katapusan...

Ang kanilang pagmamahalan.

 

Hawak kamay...

Buong saya ang taglay ...

Pag-ibig ay sadyang umaapaw!

 

Ang bawat sandali ...

Lagi ng may ngiti...

Para bang ang lahat ay walang hangganan.

 

Panahon ay lumipas...

Kasiyahan ay biglang kumupas...

Napuno ng kalungkutan.

 

Parang isang awitin na nagsabing...

"Bakit ka pa nakita?"

"Bakit pa nakilala...kung ang puso ko

ay iiwan mo lang at sadaktan!"

 

Siguro nga..ito ay isang kapalaran...

Tayo ay pinagtagpo...

 ngunit di tinadhana.

Other Poems by Balotbondoc