Ikakasal Ka Na

By Anna09 on 27th Nov 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Maraming taon ang ating pinagsamahan

Akala ko talaga tayo ay hanggang katapusan

Ngunit sa isang kisap mata, iyong iniwan

Ako ay nagulantang sa aking nabalitaan.

 

"IKAKASAL KA NA"

Salitang kailanma'y hindi ko nahanap

Ngunit nadinig at mula sa iba'y naapuhap

Sana ay akin lamang ang iyong mga yakap

Ngunit naglaho lahat ng ating mga pinangarap.

 

Ang pag-ibig mo ay huwad

Pagmamahal na hindi ko hinangad

May taong darating na mas karapat-dapat

Sa iaalay kong buhay at sumpang tapat.

 

Huwag kang mag-alala

Ako ay lalakad palayo na

Dahil ang paglalakbay ko'y muling maguumpisa

Patungo sa pagmamahal na dakila

Hangad ko pa din ang iyong ligaya.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-26-2020

Horizons biography princess

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09