Kalayaan

By Anna09 on 27th Nov 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang

Watawat

ng Pilipinas

Sagisag at simbolo

Ng ating kasarinlang ganap

Ipagbubunyi at iwawagayway

Isa puso't Isa isip ang kalayaan

Saan mang sulok ng mundo tayo ay naroroon

Tayo ay Filipino! Lahing matatag at matatapang

Filipino ako! Lahing masayahin at makatao

Pinagmamalaki ko ang ating lahi at lipi

Bantayan ng lubos ang ating kalayaan

Sa kamay ng dayuhan ay ingatan

Na h'wag basta bastang apihin

At itong inang bayan natin

Hindi na muling

Malupig

Pa.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-26-2020

Horizons biography princess

📷 Edited by Ainz Losauro

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09