Bagyong Ulyssess PH

By Anna09 on 27th Nov 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Nakakapanlumong tingnan ang sinapit ng ating mga kababayan

Sa bansang Pilipinas na ating sinilangan

Isang umaga itong puno ng kalungkutan

Ang puso ko'y may kirot sa aking namulatan.

 

Kung ako lamang ay may magagawa

Ngunit sa pagkakataong ito tanging dasal at paggawa lamang ng tula

Tulang gigising sa mga lider ng ating bansa

At sa mga pamunuan na siyang naatasang mangasiwa

Sana naman po ay makalampag ang inyong mga diwa.

 

Aksyon agad ang kanilang kailangan

Huwag magatubili lahat ay tulungan

Mga bahay na lumubog sa baha inyong puntahan

Tignan maigi baka may buhay na nangangailangan

Sagipin sa abot ng inyong makakaya at huwag pabayaan

Diyos Ama ang magbabalik sa inyo ng kabiyayaan.

 

Manalangin ang lahat na sana ito ay ating malampasan

Sunod sunod na trahedya ay mga pagsubok lamang

Patatagin ang ating pananalig at magdasal

Na bigyan tayo ng kalakasan at malusog na pangangatawan

Babangon muli at susuungin ang hiwaga ng buhay.

 

Kaya natin 'yan kung tayo ay sama-samang kukumpas at kakampay

Mag-ingat at makinig sa alituntunin ng bawat baranggay.

Huwag ng matigas ang ulo at sana lahat ay maging matiwasay.

Diyos Amang makapangyarihan ang sa inyo palagi ay gagabay.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

11-13-2020

Horizons Senior Poet

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09