MADILIM NA NAKARAAN,MALIWANAG NA KASALUKUYAN

By unnie on 26th Nov 2020

Napyluno na ang kahon ng papek na kinuyumos.

marami naring tinta ang aking naubos.

maging ang lampara'y unti-unti ng naghihikahos.

ngunit di magpapatinag sa kahit anung unos.

 

maraming pangarap ang naiwan sa dilim.

kaya't di ko hahayaang maiwan ang sa akin.

kung kinakailangang mangapa at madapa.

ay gagawin qo,pangarap lang ay makuha.

 

lahat naman ng merun ay sa,wla nasadlak.

parang blangkong papel na kalaunay napuno ng sulat.

lahat ng nakakita ng liwanag ay dumaaan sa dilim.

dahil kung walang dilim,liwanag ba'y hahanapin?

 

ano pa't iikot rin anv gulong ng buhay.

ang dating nasa ilalim ay magiging sa ibabaw.

iiwanan ring tuluyan ang madilim na nakaraan

at tatamasahin ang maliwanag na,kasalukuyan..