Hello world, magandang araw mga tropapips
Huwag magmadali marami akong tips
Teka lang teka lang hinay muna
Baka kayo'y madapa, at tayo ay mawala sa paksa
Diskarteng good boy kay mommy applicable
Lalo na kung magpapabili ng celfone na apple
Kay kuya at ate tayo'y dapat malambing
Para dagsa ang regalo sa paskong darating
Diskarteng good boy kay teacher online
Laging makinig at sumunod para grades ay laging ok fine
Gumawa parati ng assigments and projects
Para kay lola walang matanggap na flying objects
Diskarteng good boy naman tayo kay jowa
Para stress free at hindi tayo isumpa
Bigyan ng tsokoleyt, rosas at lobo
Nang sa gayun hindi ma- feature kay Mr. Tulfo
Iilan lamang yan sa mga diskarteng panalo
Basta tune in palagi sa mga akda ko
Magandang buhay at lovelife ay mapapa sa iyo
Sundin lamang ang diskarteng good boy, aprub kahit kanino.