Image

Nang  makilala ka...

Lagi kang laman ng isipan,

Ika'y laging napapanaginipan...

Ako'y nagsimulang mangarap na...

Nais makapiling ka...

Mayakap at mahagkan!

Sigaw ng puso ko'y ...Ikaw lamang!

 

Ako ay iyong nabihag...

Diwa ko ay naglalayag!

Buhay ko ay lalong sumaya,mas makulay pa!

Naging makahulugan...

binigyan mo ng halaga!

 

Umasang Ikaw ay maka ulayaw...

Nais ko ay pang habang buhay...

At hindi panandalian lamang...

Tibok ng puso ko'y para sa iyo lamang!

 

Walang ibang hiling..ikaw lamang.

Ika'y aking pinaka aasam!

Di titigil na mahalin ka...

Aking panalangin..

Sana ay makasama ka...

Pagkat sigaw nitong puso ko'y...

IKAW LAMANG!

Poems by Other Authors

Other Poems by Balotbondoc