Tatay Pianong Columbino

By Anna09 on 4th Nov 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa nag-iisang tatay ng aming tahanan

Dalangin namin sa Amang makapangyarihan

Na sana kayo po ay palaging gabayan

Araw-araw na magkaroon ng malakas na pangangatawan.

 

Salamat po sa inyong gabay

Mga aral na itinuro sa aming buhay

Sa ugaling walang makakapantay

Napakagaling makisama at matiising tunay.

 

Mapagpakumbaba at may takot sa Diyos

Mga pamanang ikina lulugod naming lubos

Salamat po sa pagmamahal na tunay

May pusong ginintuan na aming gabay sa paglalakbay sa buhay.

Salamat po aming tatay.

 

Ngayong kaarawan mo

Sana ay masaya kang totoo

Pagpalain at ipagkaloob mga kahilingan niyo

At madami pa pong pagdiriwang ang darating at sana po ay kasama na kayo.

 

Maligayang kaarawan aming tatay

Mula sa aming mga anak niyong mahal kayong tunay

Panalangin ang tangi naming maibibigay

At pasasalamat  po sa pagbibigay niyo sa amin ng buhay

Happy happy happy birthday po tatay

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-29-2020

Horizons Senior Poet

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09