Ang pagmamahal na ibinigay mo ay kalahati lang
Tama naman dahil pinunan ko ang ano mang pagkukulang
Pero bakit ikaw pa din ay lumisan
Nasaan ka ngayon ako'y iniwang luhaan.
Kalahating basong tubig ang aking ibinigay
Simbolo na ikaw lamang ang tanging makapupuno sa buhay
Ginuhit lamang sa lapis bigyan mo naman ng kulay
Ikaw ang magsisilbing pambura sa ano mang lumbay ko sa buhay.
Painom ng tubig kapag ako ay nauuhaw
Pero hinding hindi ako hihingi ng pagmamahal sa taong mistulang batingaw
Gagalaw at tutunog lang kapag siya na ay binatingaw
Dapat ay may pagkukusa sa paggalaw.
Huwag mapaghanap sa kaya kong ibigay
Dapat punuan mo at tanggapin ang aking maiaalay
Nagtira din naman ako para sa sarili kong buhay
Para mawala ka man ay kaya ko pang mabuhay.
KALAHATI lamang ang aking maibibigay.
Panulat ni: Annaliza V. Aquino
🗒🖊anna09
11-04-2020
Horizons Senior Poet
3D sketch: Maureen Villanueva