Rodelyn... Ilokanang Magaling

By Anna09 on 31th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Siya ay nakilala ko sa bahay ng Horizons

Natulala ako sa galing na taglay nito

Ang mga akda niya ay kamangha-manghang talaga

Mula sa puso gamit ay malalalim na salita.

 

Tagos sa kaibuturan ng aking pagkatao

Tuwing babasahin ko mga panulat ng ate ko

At nang siya ay nakasama at naka kuwentuhan ko

Abah! Isang ilokanang pinagpala pala at napaka elegante pa nito.

 

Isang inang huwaran, nakapagtapos ang mga anak ng may kaniya-kaniyang karangalan

Magandang halimbawa sa ating lipunan

Mapagpakumbabasa kabila ng angking kagalingan

Talaga namang iyong kinagigiliwan.

 

Sa panulat siya ay si "shadesnpens"

Isang alyas na talagang nakakapukaw ng pansin

Lahat ng kaniyang akda ay may hatid na leksyon

Mga aral sa buhay na magagamit nating proteksiyon.

 

Akin talagang pinagpapasalamat

Na nagkrus ang aming landas

Isang ate na matatag at idolo ko sa panulat

Sana ay huwag magbabago at palaging may lakas.

Ate kong RODELYN tunay na pinagmamalaki ng mga ilokanang kagaya namin.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-31-2020

Horizons Senior Poet

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09