Niña...Kaibigan kong Maganda

By Anna09 on 25th Oct 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang tunay na kagandahan ay nasa panloob na katauhan

Wala sa panlabas na kaanyuan

Pero itong aking kaibigan

Sa loob at sa labas ay may angking kagandahan.

 

Siya ay aking kaklase noong sekondarya

Pero hanggang ngayon ay kaibigan kong dakila

Pinagpala ng Poong Maykapal dahil may buhay na masaya

Payapa at tahimik, sa bansang Dubai siya ay nakatira.

Kasama ang mabait na asawa, sana pati anak ay mabigyan na sila ng biyaya.

 

Siya ay si MARIA NIÑA...kaibigan kong maganda.

Hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang itsura at postura

Hindi din nagsasawa sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga kamag-anak niya

Mahilig magtanim at magluto, busog ang sino mang bisita nito

Siya ay nag eekspiremento ng iba't ibang luto,buti na lang at puro masasarap ang kinalalabasan nito.

 

Panalangin ko sana ay huwag kang magbabago

Kababaang loob  at kabutihang taglay mo

Siyang tunay na nagdadala ng tagumpay sa iyo

Kaibigan, mag-ingat palagi at sana ay magkita pa tayo.

Sa mga susunod na araw, iyan ang kahilingan ko.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-25-2020

Horizons senior poet

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09