Tata: Nagniningning na Tala

By Anna09 on 24th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Nang makilala ko siya noon akala ko ay isang bata

Nakakatuwa kasi ang pangalan niyang Tata

Hindi naglaon ay nakilala ko siya nang tunay

Mga adhikain niya at mga pangarap sa buhay.

 

Isa siyang inang dapat pamarisan

Masiyahing tao, positibo ang pananaw at isipan

Isang kaibigang maaasahan, lalo na kung pagandahan ang usapan

Abah! Listo siya may dala-dalang bag at agad kang kikilayan!

 

Ang aming CHARRY ROSE ay tuluyan nang nagniningning

Isang bituing nalinang na at gumaling ng gumaling

Ngayon ay nakakahanga na ang kaniyang mga sulatin

Nakakabighaning talaga ang angkin niyang sining.

 

Nagpapasalamat ako sa poong Maykapal

Ikaw ay nakilala ko, talaga namang may magandang asal

Palaging nakangiti at biglaan na lang sumasayaw sa isang tabi.

Huwag kang mabibigla at talentado talaga siyang babae.

 

Oh aking Tata, patuloy na magniningning ang iyong tala

Sa Amang nasa itaas ikaw ay manalig at magtiwala

Hindi ka niya pababayaan sa tuwina

Isasama kita sa aking panalangin at buhay mo sana ay palaging maginhawa.

Alalahanin mong palagi kang mayro'ng isang ate Anna!

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

Horizons Senior poet

10-23-2020

Other Poems by Anna09