PANA-PANAHON

By Anna09 on 24th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

"Pana-panahon ang pagkakataon

Maibabalik ba ang kahapon"

Lyriko ng isang sikat na awitin

Pero atin ito ngayong pagnilay nilayin

 

Gaya ng bulaklak na yumayabong

Mga puno na umuusbong

Mga hayop na lumalaki

Mga ibong lumilipad sa tabi-tabi

May panahong sila ay namumukadkad

May panahon ding natutuyot at nawawalan ng pakpak para makalipad.

 

Ang bulaklak na may bango

Dumarating ang panahong natutuyo

Samyo nito ay wala ng halaga sa mundo

Pero tandaan minsan sila ay pinuri mo

Pinagmasdan ang ganda nito

At baka nga pinitas mo pa sa kagalakan na naidulot sa buhay mo.

 

Magsilbi sanang aral sa ating pagkatao

Mga nilikha ng Maykapal, lahat may panahon sa mundo

Ginawa nila ang kanilang tungkulin, nakapagbigay kasiyahan sa maikling tagubilin

Sana ay gawin din natin, magsilbing kasayahan sa buhay ng iba habang panahon pa natin.

 

Iba-iba ang panahon

Pero minsan lang ito daraan sa buong maghapon

Gawin itong makabuluhan

Para sa sangkatauhan

Gaya ng bulaklak sa inyong harapan

Mananatili ang bango at ganda na naidulot sa inyong katauhan.

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-20-2020

painter: gorgeous Maureen Villanueva

Other Poems by Anna09