PASASALAMAT

By Anna09 on 24th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ito ang araw ng pasasalamat

Dahil natapos ko ang isang araw na magiging isang alamat

Binaon ko lahat ng inyong pagmamahal at ako'y inyong binuhat

Tumatak sa puso ko daig pa ang isang agimat.

 

Salamat ay salitang hindi sasapat

Sa lahat ng panalangin ninyo at sa mga tula na sa akin ay sumambulat

Paglalarawan ng aking katauhan

Naisip kong ako pala ay may puwang sa mga puso niyo, lubos na kayo ay aking pinapasalamatan.

 

Sana ay nasambit ko ang lahat ng salitang naglalarawan sa ating tahanan

Sana ay naiparating ko ang mensaheng nararapat para sa ating karangalan

Sana ay naturan ko lahat ng nais niyong sabihin para sa ating adhikain

Sana ay dumami pa ang maging kapamilya natin at makapagbigay inspirasyon sa mga kapwa natin.

 

Huwag sanang magbago ang ating dedikasyon

Lumawak pa lalo ang ating sirkulasyon

Manatili sana sa puso natin ang respeto

Dahil ito ang nagdala sa atin ng tunay na ginto.

 

Salamat sa Diyos, ating Amang makapangyarihan

Ako ay talagang kaniyang ginabayan

Salamat sa Horizons, natagpuan ko ang bahay na puno ng pagmamahalan

Salamat sa inyo aking mga kapatid at kaibigan

Salamat sa ating ina, kailanman hindi niya tayo pinabayaan

Muli, mabuhay ang mga taga Horizons!

 

Pasasalamat mula sa inyong abang lingkod: Annaliza V. Aquino

10-19-2020

🗒🖊anna09

📷 captured by kabsat Ailenemae

 

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09