Mahal na Kaibigan

By ellenmae on 16th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Sa aking paglaki hindi ko inaasahan,

Makakahanap ng tulad mong kaibigan.

Marami mang pagsubok ating kinakaya,

Pilit nilulutas anumang klaseng problema.

 

Itinuring tunay na kapatid, pakiramdam kay sarap.

Kasamang bumuo ng iba't ibang mga pangarap.

Mga masasaya at madaling makamit na pangarap,

Nagkasundong ikaw at ako'y sabay abutin mga pinapangarap.

 

Nakakalungkot pangarap hindi na makakamtan,

Mahal na kaibigan ako'y kanyang nakalimutan.

Hindi inaasahang sa ganito lamang aabot,

Ako'y iyong kinalimutan pakiramdam kay bigat.

 

Mahal na kaibigan, hinding hindi kita makakalimutan,

Ika'y nasa aking puso magpakailanman.

Salamat sa mga ala alang binuo sa nakaraan,

Masasayang mga alaala, pagpapayo at ating pagmamahalan.

 

 

July 30, 2020

@Lifediary511✍📖