Ang Sagot

By Anna09 on 13th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang kasagutan ay nasa iyong mga kamay

Kung ano ang landas na tatahakin sa iyong buhay

Kung anong desisyon ang sa iyo ay gagabay

At kung anong pangarap ang iyong magiging talambuhay.

 

Malayo ang mararating

Kung mga kamay ay babanatin

Sa trabahong susuungin

Kung may tiyaga ay may ginhawang aanihin.

 

Kung ikaw naman ay tamad

Hindi gagalaw yaring palad

Makinis at walang kalyo, walang alam na trabaho

Kaibigan, saan kaya ikaw tutungo?

 

Ang sagot ay nasa iyong mga kamay.

Habang bata pa ay matutong maghanap buhay

Hindi giginhawa ang taong walang gawa

Alalahanin mo ang kasabihang "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

Kaya kumilos na habang maaga pa.

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-13-2020

📷  JM Ganab Badera

Other Poems by Anna09