Lala... Ang aso ni Yana

By Anna09 on 13th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Pinapakilala ko sa inyo si Lala, alagang aso ni Yana.

Sa Belgium sila ay nakatira

Pero sila ngayon ay magkahiwalay ng bahay at minsan na lamang magkita

Gayunpaman sinusulit nila bawat oras nilang magkasama.

 

Si lala ay inaalagaan ni lolo at lola

Matakaw sa manok, parang asong gala

Isang asong mapalad dahil mahal siyang talaga.

Pinapaliguan at katabing matulog sa malambot na kama.

 

Siya ang dakilang bantay sa bahay

Kung silang lahat ay papasok sa trabaho siya ay matiyagang nagbabantay

Kapag may taong parating agad na tatahol kahit sa kapitbahay

Siya ay maaasahang tunay.

 

Si Lala ay regalo kay Yana

Para may alagaan at may kalaro siya

Marunong makinig at nakakaintinding talaga

Masunuring aso, daig pa ang tao.

 

Isang araw siya nagkasakit

Ayaw kumain, matamlay at umiiyak ng may impit

Dinala sa doktor at agad tinurukan sa may puwit

Kinabukasan, magaling na siya at naglalaro na ulit.

Salamat naman at kami ay nag-alala kay Lalang makulit.

 

Mahal naming alaga, Lala ang pangalan niya.

Inaantay na niya ako para makasama

Huwag kang mag-alala dadalhan kita ng pasalubong

Paborito mong manok,tiyak ikaw'y gugulong gulong.

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-10-2020

Other Poems by Anna09