Ronnie... Ang Tito kong Pogi

By Anna09 on 13th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Siya ang paborito kong tito, huwag ng magselos ang iba dahil nadama ko kasing mahal niya akong talaga.

Sa tuwing papasyal ako sa bahay nila, madami siyang pabaon sa akin, para akong bata kung tratuhin.

Kahit mahirap ang buhay mas uunahin ka niya at ang iba, sobrang mabait siya.

Masipag sa trabaho para maitaguyod ang buong pamilya, kahanga -hangang ugaling mayron siya.

 

Maunawain at madiplomasiyang magsalita.

Mahinahon at magaling makisama.

"Richard" ang tawag nila sa kaniya dahil siguro sa kagwapuhan niya.

"Master" naman ang bansag ng mga barkada  niya dahil siguro sa abilidad niya.

 

Ang tito kong pogi ay ang nagiisang si RONNIE.

Sa buong pamilya namin siya ang katangi-tangi.

Lahat ay ginagalang siya at pinupuri.

Dahil sa pakikisamang tunay na walang pag-aatubili.

 

Salamat sa lahat ng aral na iyong ibinahagi.

Palagi kong natatandaan ang iyong pagiging mabuti.

Pinagdarasal ko ang iyong kalusugan parati.

Sana ay dagdagan pa ang mga video mo sa tiktok

Para ako ay may mapanood bago magpahinga sa gabi.

Mahal kita, tito kong pogi.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-11-2020

Other Poems by Anna09