Albert... Ang Kaibigan Kong Expert

By Anna09 on 9th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Eksperto siya sa lahat ng bagay,

Pero sa pambobola sa mga kababaihan, siya ay sablay.

Siya ang tumulong sa aking anak,

Nang isali niya ito sa isang patimpalak.

Mula noon, unti-unting napagtagumpayan ang daang tinahak.

Hindi ko makakalimutan at nais magpasalamat sa pamamagitan ng tulang ito kahit na payak.

 

Matulungin siyang tunay, ugaling palagi niyang isinasabuhay.

Sa kaniyang grupong itinatag, may dedikasyon at isang pinunong tunay.

Maaasahan kahit anong oras mo tawagan.

Palabiro man pero isang totoong tao at kaibigan.

 

Siya ay si ALBERT, ang kaibigan kong expert.

ATOK kung tawagin ng kaniyang mga kasama.

Sa pagawit man o pakikipag kapwa tao at pakikisama siya ay palaging handa.

Walang reklamo kahit na pagod basta may pagkaing nakahanda.

Sa kaniyang paguwi, ang anak at asawa pati na ang alagang aso ang kaniyang ligaya.

 

Salamat sa iyo, tunay kang mapagpakumbaba.

Sa mga aral na naibahagi mo sa akin at sa iba.

Patunay kang may mga mabubuting tao pang natitira.

Handang maglingkod sa kapwa at Diyos ang bahalang magbibigay ng biyaya.

Sana ay madami pa ang iyong maging kagaya.

Magingat palagi sa pagarangkada.

Malapit na tayong magkitang muli aking kuya. 😊😊

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-09-2020

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09