Tuliro

By Anna09 on 9th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

May nais akong sabihin,

Pero hindi ko alam paano paiikutin.

Kaya sa tula na lamang idadaan,

Ang mga tanong sa aking isipan.

 

Ako ay talaga namang naguguluhan,

Pero hindi ko alam paano uumpisahan.

Ang pagsagot sa lahat ng katanungan,

Eto na naman ako sa nakakalitong kalagayan.

 

Tuliro at aburido,

Sa mga panahong gaya nito,

Ano ang ginagawa niyo?

Maaari po bang turuan niyo ako.

Baka sakaling makinig ang diwa ko,

Sa mga salitang sasabihin niyo.

Sana ay malampasan ko ito.

 

Simple at payak lamang ang tulang ito.

Pero nasabi ko lahat ang nilalaman ng isip ko.

Naisigaw ang nasa damdaming siphayo.

Naibsan ang lungkot na nadarama nito.

Salamat sa pagbabasa ng tula ko.

Sana ikomento niyo ang nararapat na payo.

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-07-2020

Other Poems by Anna09