Mila... Dakilang Ina

By Anna09 on 7th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Marami sa atin ang talaga namang masasabing dakila.

Pero ang kaibigan kong ito, para sa akin ay isang napakagandang halimbawa.

Nang tunay na pagpapahalaga sa mga anak at paghubog ng isang mapayapang pamilya.

Pagmamahalang hindi kukupas at pagsasama hanggang wakas.

 

Siya ang pinaka tahimik kong kaibigan, mahinhin at talaga namang dapat tularan.

Kapag araw ng pahinga, siya lamang ay magsisimba, magpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya.

Mas nanaising mapag-isa kaysa sumama sa mga grupong maaring magpahamak sa kaniya.

Tatawagan ang naiwang pamilya sa Pilipinas ay sapat na para mairaos ang araw ng pahinga.

Masaya na, nakatipid pa!

 

Siya ang aking ate MILA, para sa akin ay isang dakilang ina.

Hindi nagsasawa sa paggabay sa mga anak niya.

Kapupulutan ng mabuting aral habang kausap mo siya.

Isa rin siyang halimbawa ng mapagpakumbabang kapatid at asawa.

 

At ngayon, sa araw ng kaniyang kaarawan.

Simple lamang ang kaniyang mga kahilingan.

Makapagtapos ng pagaaral ang kaniyang mga anak ang tunay niyang kaligayahan.

Nagsusumikap at nagtitiis dito sa ibang bansa para sa kanilang kinabukasan.

Balang araw ay uuwing bitbit an tagumpay na inaasam-asam.

Maligayang kaarawan, malapit na kitang maging ninang.

Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan.

 

Panulat: Annaliza V. Aquino

🗒🖊anna09

10-07-2020

📷 ate Mila Bacud Gammad

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09