Balitang Pangmalakasan

By Anna09 on 7th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Madaling araw nang ako ay maalimpungatan.

Minulat ang aking mga mata at aking nasilayan.

Nabasa ang isang magandang balita,

Mula sa aking inang Ody, pangmalakasan.

 

Ako ay kasali sa isang "international" na adhikain.

Makapagpahayag ng saloobin,

May temang tungkol sa pamilya,

Akma daw sa akin ang sabi ni ina.

 

Ako ay galak na galak.

Sa balitang aking natanggap.

Hindi ko ninais o pinangarap,

Pero dumating, sagot sa pagiging masikap.

 

Salamat kay inang Ody, ako ay nabigyan ng pagkakataon.

Salamat din sa "one step closer", sa kanilang pagtugon.

Sa darating na ika-18 ng  Oktubre taong kasalukuyan,

Sana po ako ay inyong suportahan.

Hindi man po ako kagalingan,

Nais ko lamang pong maranasan ang mundong inyong ginagalawan.

 

Nais ko din pong magsilbing munting inspirasyon.

Sa mga batang nangangarap pa noon,

Kahit gaano katagal kung may dedikasyon.

Mararating din ang araw sa takdang panahon.

 

Salamat po mahal na Panginoon.

Sa biyayang ipinagkaloob mo,  Hinding hindi ko po makakalimutan habang panahon.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09