ANG GURO

By Anna09 on 6th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang Guro ang nagsilbing pangalawang magulang ko.

Walang sawang nagturo sa akin ng mga magagandang asal at tinulungan akong mahasa ang aking talento.

Nagbuhos ng pagod at pawis para ako ay mabuo.

Maging ganap na mabuting tao para sa katahimikan at kapayapaan ng mundo.

 

Pumapasok ako sa paaralan, walong oras araw-araw.

Walang sawa ang mga guro na umaantabay at sa akin ay gumabay.

Walang humpay para lamang makamit ko ang aking tagumpay.

Ang salitang "salamat" ay hindi sapat para masabi ko lahat ng nararapat.

Ngunit ako ay inyong pagmasdan, isang halimbawa ng kasagutan sa kanilang pinuhunan.

 

Saludo ako sa lahat ng mga guro sa buong mundo.

Hindi lamang dahil ngayon ay itinakdang araw ng mga guro.

Kundi sa araw-araw na dumadaan sa  buhay ko.

Bitbit ko ang mga pangaral na inyong itinuro.

Kayo ang mga bagong buhay na bayani na talaga namang kapuri-puri.

 

Sakripisyo ninyo ay hindi matatawaran.

Makita niyo lamang kaming nakapagtapos ang inyong kaligayahan.

Bawat tagumpay namin ay inyong nasaksihan.

Iniaalay namin sa inyo ang aming natatamong karangalan.

Mabuhay po ang lahat ng guro sa ating lipunan!

 

Sinulat po bilang alay pasasalamat sa lahat ng guro sa buong mundo.

Other Poems by Anna09