Bughaw na Ulap

By Anna09 on 4th Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa mga ulap na nasa alapaap,

Ang isang guro ay nakatanaw, naaalala ang kaniyang pangarap.

Noong siya ay bata pa at nagsusumikap,

Nagaral maigi, nagbasa ng madaming aklat at nagbunga din ang kaniyang paghihirap.

 

May isang pulis na nag mumuni-muni din sa may upuan,

Nakatingin sa malayong bughaw na kaulapaan.

Naalala niya ang bawat sakripisyo,

Pumapasok kahit na walang uniporme at libro.

Makapagtapos lang ng kaniyang kurso,

Nagpatulong sa kaibigan niyang abogado.

Ngayon ay inaani niya ang tiyaga at talino.

 

Ano man ang iyong pangarap sa buhay,

Sa tulong ng mga magulang at kamag-anak, iyong ialay,

Para sa oras na ikaw ay nagtagumpay,

Masaya silang lahat na sa'yo ay umagapay.

Kaibigan, malayo man ang ulap, hayaan mong sa buhay mo, siya ang gumabay.

 

Isang tulang ginawa ko para sa halimbawa ng pangngalang di-tiyak at tiyak.

Other Poems by Anna09